LOOK: Scenes from 'Fast Talk with Boy Abunda' pictorial

Simula ngayong Lunes, January 23, mapapanood na sa GMA Network ang pinakaunang programa ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang pagbabalik sa telebisyon --- ang Fast Talk with Boy Abunda.
Ang naturang programa ay ang pinakabagong multi-platform showbiz news and talk show kung saan isa-isang hihimayin ang mga pinakamaiinit na isyu sa showbiz at bibigyang pagkakataon ang celebrities na sumalang sa kaabang-abang na hot seat interviews kasama si Boy.
Layunin din nitong maging isang credible go-to source patungkol sa lahat ng mga kaganapan sa showbiz industry. Ipapalabas ito Lunes hanggang Biyernes sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime.
Silipin naman ang mabusisi at masayang pictorial ni Boy para sa Fast Talk with Boy Abunda sa gallery na ito:














