What's Hot

Jessica Villarubin, hiling ang pang-unawa sa desisyon niyang magparetoke

By Dianara Alegre
Published March 17, 2021 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala exits Australian Open after 'overwhelming' scenes
DPWH chief orders third-party assessment of Iloilo's Aganan Flyover
NLEX to increase toll fees starting January 20

Article Inside Page


Showbiz News

jessica villarubin


Jessica Villarubin sa kanyang pagpaparetoke: “Sana po maintindihan n'yo po 'yung naging desisyon ko.”

Humingi ng pang-unawa si The Clash Season 3 grand winner Jessica Villarubin mula sa publiko kaugnay sa naging desisyon niyang magparetoke.

Aniya, isa na rin sa mga dahilan ng ginawa niyang physical enhancement ay para maiwasan ang pambu-bully sa kanyang hitsura.

Source: jessicavillarubin

Ikinuwento ni Jessica na sa kasagsagan ng kumpetisyon na nakaranas na siya ng pambabatikos hindi dahil sa kanyang boses o istilo ng pagkanta kundi dahil sa kanyang appearance, at masakit ito para sa kanya.

Kaya ang hiling ni Cebuana Power Diva, “Inisip ko din po 'yung mga comments din po ng ibang tao pero sana po maintindihan n'yo po 'yung naging desisyon ko ngayon kasi masaya naman po ako kasi I feel more confident.”

Payo naman ni Dra. Vicki Belo, na tumulong sa kanyang transformation, “Ikaw pa rin naman, e. Hindi naman nagbago sobrang layo pero ang pinaka magaling na enhancement is when people don't know. They just see something's new with you.”

Source: jessicavillarubin

Kahit na may ilang mga bumabatikos sa kanyang pagpaparetoke, hindi naman umano naaapektuhan nito ang sayang dulot sa kanya ng kanyang new look.

Dagdag pa niya, mas naging confident siya ngayon dahil dito.

“Actually po, ang feeling ko ngayon is sobrang saya po.

"I feel more confident and ngayon po parang masaya lang po talaga 'yung nararamdaman ko,” aniya.

Nagapasalamat din sa fans niya si Jessica sa patuloy nilang suporta.

Paalala niya sa kanila, “'Wag po tayo mawalan ng pag-asa kasi minsan, lahat ng gusto natin hindi natin agad nakukuha pero palagi nating isipin na 'yung Panginoon po may plano po talaga.”

Samantala, bukod sa new look, dapat din abangan ng publiko ang performances ni Jessica sa All-Out Sundays.

Samantala, kilalanin ang iba pang mga artistang umaming nagparetoke sa gallery na ito: