
Mabilis na humakot ng million views sa social media ang behind-the-scenes video ng House of Lies lead actresses na sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal.
Sa naturang video, ipinasilip ang isa sa mga paghaharap nina Marj at Thea, ang mga karakter nina Beauty at Kris.
Mapapanood dito na gigil na gigil si Marj (Beauty Gonzalez) kay Thea (Kris Bernal) dahil sa panggugulo nito sa kanyang career life.
Binanggit ni Marj sa video ang kanyang unang rule, “Rule no. 1, 'wag mong iinisin si Marj… dahil ito ang mangyayari sa'yo.”
Maraming viewers, netizens, at fans ang talaga namang humanga sa acting skills ng dalawang aktres sa naturang eksena.
Sa loob ng dalawang araw, pumalo kaagad ang views nito sa 15 million.
Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 17 million views ang video sa Facebook at patuloy din itong humahakot pa ng positive reactions at comments sa iba pang social media platform.
Patuloy na tumutok sa House of Lies, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Related gallery: Meet the cast of House of Lies