GMA Logo Bela Padilla
What's on TV

Bela Padilla, gusto makita ang abs ni Jak Roberto?

By Kristine Kang
Published February 7, 2025 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

Bela Padilla


Biro ni Vice Ganda: 'Ang aga Bela, gusto makakita ng abs."

Isa na namang hot episode ang nangyari sa beauty and sexy segment ng It's Showtime na "Sexy Babe 2025" nitong Huwebes (February 6).

Ngayong papalapit na ang Weekly Finals ng pageant sa darating na Sabado,(February 8), excited na ang hosts sa matinding performances muli ng judges. Kabilang na rito ang pagsayaw muli ng hurado at Kapuso actor na si Jak Roberto.

Pero dahil hindi nakapunta sa huling linggong finals, na-miss daw ni Bela Padilla ang special number ni Jak.

Maliban sa pagsasayaw ng Kapuso actor, meron pa raw mas inaabangan ang guest host sa kanya.

"Bakit ka binansagang 'Pambansang Abs ng Pilipinas?'" tanong ni Bela kay Jak.

"Kasi nga dati, from Unang Hirit hanggang 24 Oras, naka-topless ako," sagot ni Jak.

"E, bakit sa Showtime (hindi)?" biglang hirit ni Bela.

Maraming madlang people ang nagtilian sa tanong ni Bela. Hindi rin napigilang tumawa ang kanyang kasamang hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Game naman sumayaw at nagpasilip ulit ng tiyan si Jak. Ngunit dahil sa kanyang three-layered outfit, konti lang ang nahagip sa kamera.

"'Di kasi dumaan 'yung Pasko at New Year," biro ni Vhong nang nahiya na si Jak mag-reveal.

Kitang-kita naman ang pagkadismaya ni Bela na hindi pa rin nasiyahan sa pasilip at nais pang makita ang abs ng Kapuso hunk ng mas matagal.

Tinuloy naman nina Bela, Vhong, at Jhong ang segment na puno ng saya at kulitan. Maya-maya pa, sumali na rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Pero sa kabila ng tawanan at good vibes, hindi pa rin sumuko si Bela sa gusto niyang makita kay Jak.

" 'Yung abs kasi nga kanina ko pang tinatanong. 'Di ba Pambansang Abs siya? Gusto ko makita." ani Bela.

"Ah! Gusto mo?" tukso ni Vice. "Ang aga Bela, gusto makakita ng abs."

"Bakit? Hindi niya napakita kanina, e" simpleng banter ni Bela.

Game ulit pinasilip ni Jak ang kanyang abs ng mabilisan, ngunit nabitin muli si Bela at sinabi na lang na aabangan niya ulit ito sa Weekly Finals.

"Ang mahalaga, naglinis siya ng pusod," biro ni Vice na natawa ang lahat.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang kulitan nina Bela Padilla, Jak Roberto, at iba hosts ng programa dito: