GMA Logo Bela Padilla
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Bela Padilla, may 'hugot' dahil sa 'Tawag ng Tanghalan' contender?

By Dianne Mariano
Published August 8, 2024 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Bela Padilla


Napa-hugot ang aktres at guest co-host na si Bela Padilla dahil sa 'Tawag ng Tanghalan' contender na si Paul.

Nakisaya si Bela Padilla sa It's Showtime nitong Miyerkules (August 7) sa pagbabalik bilang guest co-host.

Napanood ang aktres sa lahat ng segment ng naturang noontime variety show mula sa “Showing Bulilit,” “Expecially For You,” hanggang sa “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.”

Isa sa mga contender ng nasabing singing competition ng It's Showtime ay si Paul mula sa Cebu Institute of Technology- University.

Matapos ang kanyang performance ay nakausap siya ng hosts na sina Vice Ganda, Ion Perez, Vhong Navarro, at guest co-host na si Bela Padilla.

Isa sa mga tanong ng Unkabogable Star para kay Paul ay kung sino'ng artista, na napapanood niya sa telebisyon, ang kanyang pinaka-crush.

“Aside from you po,” sabi ni Paul. Agad namang hirit ni Vice Ganda, “You don't have to do that. That's a given.”

Ayon kay Paul, ang Filipina-American actress na si Liza Soberano ang kanyang celebrity crush.

“Napakaganda naman talaga ng mukha ni Liza Soberano,” ani Vice Ganda.

Dagdag na pabirong tanong ng seasoned comedian, “Sa palagay mo, ano'ng mararamdaman ni Bela na nandito na siya, hindi mo pa [pinili?]”

Hirit naman ni Bela Padilla, “Kaya nga e, inayos ko 'yung buhok ko gano'n. Tapos, 'Ah okay. Gano'n talaga, kapag wala, 'yun 'yung hinahanap.”

Dugtong na pagbiro pa ng aktres, “Okay lang, Paul. Okay lang talaga. 'Di joke, okay lang talaga.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at Kapuso platforms.