GMA Logo Bembol Roco
What's Hot

Bembol Roco, naging emosyonal sa pag-alala kay Superstar Nora Aunor

By Kristine Kang
Published May 26, 2025 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang bahay, nawasak at tinangay ng rumaragasang baha dulot ng thunderstorm
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Bembol Roco


Bembol Roco sa kanyang kaibigan na si Nora Aunor: 'Sana hindi ka pa namatay.'

Hindi napigilang mapaluha ang beteranong aktor na si Bembol Roco habang inaalala ang kanyang yumaong matalik na kaibigan, ang Superstar na si Nora Aunor.

Sa panayam niya kay Morly Alinio, binalikan ni Bembol ang matagal nilang pinagsamahan sa industriya ng showbiz.

"Napakasarap makatrabaho ni Ate Guy. Bukod sa propesyonal, malalim ang pag-arte niya dahil alam niya 'yung ginagawa niya," pahayag niya. "Kaya kami siguro nagkakaintidihan, naging malapit kaming kaibigan ni Ate Guy."

Labis ang paghanga ni Bembol kay Nora tuwing sila ay nagtatrabaho sa isang pelikula o teleserye. Isa sa mga pinakanatatandaan niyang proyekto ay ang 1976 classic film na Tatlong Taong Walang Diyos. Dito raw nila mas lalong na-appreciate ang husay ng isa't isa sa pag-arte ng mga emosyonal na eksena.

Naalala rin ni Bembol ang huli nilang pagsasama sa GMA series na Little Nanay noong 2015. Mas naging malapit daw sila sa isa't isa at madalas silang nagtutulungan sa bawat eksena.

"Proud ako naging magkaibigan kami dahil sa kanyang narating. Napakalaking bagay ng National Artist at karapat dapat lang," sinabi niya.

Ngunit ngayon na wala na ang Superstar, aminado ang aktor na napakasakit sa kanya ng pagkawala ng isang tunay na kaibigan.

"Sana hindi ka pa namatay. Marami pa siyang gagawin maganda sigurado. Marami pang mapapakita si Ate Guy. Pero hindi 'yun ang plano ng Panginoon, e." malungkot na pahayag niya.

Ibinahagi rin ni Bembol ang kalungkutan sa sunod-sunod na pagpanaw ng iba pa niyang mga kaibigan sa industriya--sina Gloria Romero, Pilita Corrales, at Hajji Alejandro.

Aniya, "Sobrang nakakalungkot dahil nga mga kaibigan ko sila. Kilala ko sila ng personal. Masakit sa loob ko."

Pumanaw si Nora Aunor noong April 16 sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.

Noong April 22, ginanap ang isang necrological service para sa Superstar at siya ay inilibing sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura.

Balikan ang tributes ng ilang celebrities para kay Superstar Nora Aunor: