
Sa last two episodes ng Ben X Jim, kahit alam nina Ben (Teejay Marquez) at Jim (Jerome Ponce) na maaring maging masakit ang magiging kahihinatnan ng kanilang love story, handa pa rin silang sumugal para sa pagibig.
Matapos maglakas loob nina Ben at Jim na aminin sa isa't isa ang totoong nararamdaman, isa-isa nang lumalabas ang mga hadlang sa kanilang relasyon - ang babae sa nakaraan ni Jim, ang isang admirer ni Ben, ang ama ni Jim na tutol sa relasyon, ang pagbabalik ng isang ex, at isang madilim na sikretong malapit ng mabunyag.
Masyado kayang maging complicated ang sitwasyon?
Magkaroon na kaya sila ng katahimikan at kalayaan para mahalin ang isa't isa?
Kaya pa ba nilang ipaglaban ang isa't isa?
Huwag palampasin ang last two episodes ng Ben X Jim sa Heart of Asia Channel tuwing Linggo, 11 p.m.