TV

Panoorin ang BL series na 'Ben X Jim' sa Heart of Asia

By Bianca Geli

Kilalanin si Ben (Teejay Marquez), isang simpleng binata pero malapit ng sumuko dahil sa dami ng pagsubok sa buhay lalo na ngayong may pandemya.

Sa pagbabalik ng best friend niyang si Jim (Jerome Ponce) sa buhay niya, ramdam ng dalawa na marami ang nag-iba sa kanilang mga buhay simula nang huli nilang pagkikita.

Manunumbalik ang inspirasyon at lakas ng loob ni Ben at magiging mas malapit sila ng kanyang childhood BFF.

Magkaroon kaya sila ng lakas ng loob na aminin sa isa't isa ang kakaibang nararamdaman? Paano na lang ang babae sa nakaraan ni Jim na si Yana (Sarah Edwards) at ang ex-boyfriend ni Ben na si Leo (Johannes Rissler)?

Tuluyan na rin bang ituloy ni Ben ang plano niyang sumunod sa pamilya sa Amerika o piliin niyang makasama si Jim?

Huwag palampasin ang kakaibang Boys Love (BL) pandemic love story ng Regal Entertainment na tiyak na magpapakilig sa inyong mga puso.

Panoorin sina Teejay Marquez at Jerome Ponce sa Ben X Jim, tuwing Linggo, 11:00 ng gabi sa Heart of Asia Channel.


Samantala, tignan ang ilang same-sex love teams na nagpakilig sa atin sa gallery na ito: