
Sa nakaraang episode ng Ben X Jim, magseselos si Jim (Jerome Ponce) nang makita niya si Ben (Teejay Marquez) na napapalapit na kay Olan (Ron Martin Angeles). Sisiguraduhin ni Jim na nasa kanya lamang ang mata ni Ben.
Kahit pa in denial nung umpisa, aamin na rin sa wakas si Jim sa tunay na nararamdaman kay Ben at walang takot ang dalawa sa paglaladlad ng kanilang pagmamahalan.
Huwag palalampasin ang last two episodes ng Ben X Jim sa Heart of Asia Channel tuwing Linggo, 11:00 p.m.