GMA Logo Bernadette Allyson, Gary Estrada
Source: bernadetteallyson_e/IG
What's on TV

Bernadette Allyson, hindi selosa pagdating sa asawang si Gary Estrada

By Kristian Eric Javier
Published March 25, 2025 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICI calls for probe on Cabral’s death
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Bernadette Allyson, Gary Estrada


Kahit parehong good-looking, walang selosan sa pagitan nina Bernadette Allyson at Gary Estrada.

Aminado ang aktres na si Bernadette Allyson na kahit gaano pa kaguwapo ang asawa at kapwa aktor na si Gary Estrada, hindi pa rin siya selosa. Ayon sa aktres ay hindi rin seloso ang asawa niya sa kaniya.

Sa pagbisita ni Allyson kasama si Nikki Valdez sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes (March 24), sinabi ng aktres na dahil hindi naman sila laging magkasama ni Gary sa mga proyekto ay alam na ng isa't isa ang limits sa kanilang trabaho.

“Hindi naman kami parating magkasama. Most of the time, hindi kami magkasama sa teleserye. He has his own, I have my own. So I just always parang pabiro, pabiro ko parating sinasabi sa kaniya. I remind him na parang naughty na pagbibiro,” paliwanag ni Bernadette.

Nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung gaano kahirap magkaroon ng boyfriend na pogi, ipinahayag ni Allyson na lubos siyang nagpapasalamat na nakilala niya si Gary “at the right time.”

“He was ready to settle down, he was ready to get married, so wala ako masyadong naaalala. Pagdating sa loyalty niya, hindi talaga, he's very loyal to me. Hopefully,” sabi ni Bernadette.

Binalikan din ng batikang host ang mensahe noon ni Gary para sa kanilang mga anak, “Kapag naghahanap kayo ng boyfriend, 'wag katuld ko. Pero 'pag naghahanap kayo ng asawa, pumili kayo ng katulad ko.”

Ayon kay Bernadette, may katuturan naman ang sinabi ng kaniyang asawa dahil noong nakilala niya umano si Gary at napangasawa ito ay naging “devoted father and husband” ang aktor.

“Devoted talaga siya sa mga anak namin,” ani Bernadette.

TINGNAN ANG TRES MARIAS NINA BERNADETTE AT GARY SA GALLERY NA ITO:


Samantala, inamin din ng aktres na ang ultimate crush niya ay si Gabby Concepcion, at binalikan ang isang kuwento tungkol sa interaction niya sa kaniyang idolo kasama si Gary.

Pagbabahagi ng aktres, nakita niya noon sa isang GMA event si Gabby at inaming “nanigas” siya noong makita niya ang idolo. Alam naman daw ni Gary ang tungkol sa malaking paghanga niya kay Gabby at sa katunayan, ito pa umano ang kumuha ng litrato nila.

Pag-alala ni Bernadette, “Sabi ko, 'Huy, picturan mo 'ko.' Sabi niya, 'Huy, bigyan mo 'ko ng kahihiyan.' Kasi talagang si Gabby 'yung parang ultimate kasi parang eight years old palang ako, seven, nagkacut-cut kasi ako ng Gabby Concepcion. Mahilig kasi ako sa artista, not knowing magiging artista pala ako.”

Panoorin ang panayam kay Bernadette at Nikki rito: