GMA Logo bernadette allyson
Image Source: bernadetteallyson_e (Instagram)
What's Hot

Bernadette Allyson, ready nang maging full-time actress muli

By Nherz Almo
Published May 27, 2023 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

bernadette allyson


Umaasa si Bernadette Allyson na dumami pa ang acting job offers, “It doesn't have to be big. I just really love, you know, doing what I do, doing acting.”

Matapos ang ilang taon na hindi active sa showbiz, buo na raw muli ang loob ni Bernadette Allyson na maging full-time actress.

Nakapanayam ng GMANetwork.com ang aktres matapos ipakilala ang mga anak nila ni Gary Estrada na sina Icee, Gerri, at Gabbi bilang bagong endorsers ng Facial Care Center, na ginanap noong Miyerkules, May 24, sa Met Live!, Pasay City.

Dito, nabanggit ng dating T.G.I.S. actress na personal decision niya na huwag munang maging active sa showbiz matapos sila ikasal ni Gary.

“Medyo naging deliberate noong nag-start,” aniya.

“When we got married, parang people in the industry had this notion na sobrang strict ni Gary, ayaw na akong mag-artista. Actually, hindi 'yun ang usapan namin. But then, I got pregnant right away. Honeymoon baby si Icee kaya I chose to be a really hands-on mom.

“Parang it became like that hanggang we chose to really take care of our kids na talagang hands-on kaya parang tumagal. Okay lang sa akin na walang project, pero nami-miss at nami-miss ko siya.”

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e)

Nang magbalik daw siya sa pag-arte, kapansin-pansin ang mga pagbabago lalo na sa likod ng kamera.

Kuwento ni Bernadette, “Actually, noong unang balik ko, nanibago talaga ako. Kasi, noong time na I was active, wala pang mga tent, wala kaming standby area.

“Sobrang iba na ngayon. Sobrang iba na 'yung orientation ng everything, which is better kasi na-experience ko both that, before and now. It's so much better kasi kasama naman talaga 'yun sa pagiging artista. Actually, mas less ang hirap when it comes to bringing things. They also provide clothes now. Dati dala-dala rin namin 'yun. Ngayon, may stylist na, may wardrobe. 'Yun ang mga bagong experience.”

Kaugnay ng pagbabalik niya sa pag-arte, ikinatuwa rin ng celebrity mom ang pagkakaroon niya ng bagong fans, na karamihan ay mga kabataan.

Sabi ni Bernadette, “Natutuwa ako kasi, you know, even if hindi na tayo ganun ka active, I still try to maintain my social media presence. Hindi man ganun ka-big, pero we need to adapt. I maintain [Instagram], TikTok, Facebook. Siguro dahil doon, actually, nagkakaroon ako ng fans na mga bata.

“Nagugulat na lang ako, siguro dahil sa TikTok, siguro sa dating show, nagkaroon ako ng fans club na maliit. Nagulat ako na mayroong mga bata, mga Gen Zs, na they organized mga fans club like that on Instagram and Facebook. Sila yung gumagawa ng mga pangalan ng fans club. Gusto lang naman nila ma-acknowledge sila.”

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e)

Sa ngayon, mapapanood si Bernadette na gumaganap ng supporting role sa GMA Afternoon Prime series na The Seed of Love. May special participation din siya at si Gary sa episode ng #MPK (Magpakailanman)

“Alam n'yo naman na I'm not so active na rin naman in showbiz, di ba? Parang on-off, on-off ako. I'm thankful to GMA for not forgetting me kapag may mga ganitong role. It doesn't have to be big. I just really love, you know, doing what I do, doing acting,”pahayag ni Bernadette.

Sa huli, sinabi ng aktres na umaasa siyang makakuha pa ng mas maraming acting jobs dahil gusto na niya muling mag-full time sa pag-aartista.

“Kinukulit ko na ang manager ko kasi, sa totoo lang, nag-e-enjoy ako. Gusto ko [mag-full time]. My girls are getting bigger and they've allowed me. They like it when I have a show. They don't actually watch my shows kasi parang naa-uncomfortable sila. Pero they like the idea of me being active in showbiz.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG PAMILYA NINA BERNADETTE AT GARY RITO: