
Ilang Kapuso stars ang mapapanood bilang guest actors sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Matapos mapanood ang Apoy Sa Langit actress na si Lianne Valentin at Kapuso hottie Anjo Damiles, bibisita naman sa serye ang dalawang Bubble Gang stars.
Kaabang-abang ang magiging roles nina Betong Sumaya at Arny Ross sa trending Kapuso series.
Ano kaya ang magiging koneksyon ng mga karakter nila sa Abot-Kamay na Pangarap stars na sina Jillian Ward (Dra. Analyn Santos), Richard Yap (Doc RJ Tanyag), Che Cosio (Dra. Katie Enriquez), at marami pang iba?
Kabilang ba sila sa mga mabubuting tao na makakasalamuha ni Dra. Analyn o kabilang sila sa mang-aapi sa genius doctor?
Bukod kina Arny at Betong, tampok din sa serye ang Sparkle artist na si Zonia Mejia. Napapanood siya rito bilang si Jemily, ang anak ng karakter ni Betong.
Matatandaang napanood din bilang guests sa serye kamakailan sina Jan Marini at Antonio Quiazon.
Napanood sila sa medical mission episodes ng programa na labis na pinag-usapan noon sa social media.
Samantala, panoorin ang ilang pasilip na mapapanood mamaya sa video na ito:
Sabay-sabay nating subaybayan ang patindi nang patinding mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: