
Para sa kanyang 45th birthday nitong Sabado, November 21, ay nagdaos ng benefit concert si Centerstage host Betong Sumaya.
Aniya, ang kikitain sa naturang virtual concert ay mapupunta sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Kabilang sa mga naging guest ni Betong sa kanyang concert si Dani ng grupong XOXO, StarStruck Season 7 Male Ultimate Survivor Kim de Leon, The Clash alum Lowell Jumalon, StarStruck alum Jeremy Sabido, Lolong star Ruru Madrid, Valeen Montenegro, Kakai Bautista, Boobay, Lovely Abella, Denise Barbacena, at Maey Bautista.
“May pa-concert-for-a-cause po tayo para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses lalung-lalo na sa Marikina,” aniya.
Source: amazingbetong (IG)
Si Betong ay isa sa mga celebrities na umaksyon at naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.
Balikan ang kanyang nakaaaliw na birthday benefit concert:
Silipin ang mga celebrities na umaksyon at nagbigay ng tulong sa ating mga kababayan matapos ang mga bagyong Rolly at Ulysses.