GMA Logo Betong Sumaya
What's Hot

EXCLUSIVE: Betong Sumaya, naiyak nang malaman na tinamaan ng COVID-19 si Michael V

By Aedrianne Acar
Published August 14, 2020 7:19 PM PHT
Updated August 15, 2020 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya


Ayon kay Betong, halo-halo na daw ang naramdaman niya nang ibalita sa kanila mismo ni Michael V. ang lagay ng kanyang kalusugan.

Labis ang lungkot ng magaling na Kapuso comedian na si Betong Sumaya nang malaman niya na nagkasakit ng COVID-19 ang creative director at leader nila sa Bubble Gang na si Michael V. a.k.a Bitoy.

Kuwento ni Betong sa GMANetwork.com sa ginanap Kapuso Brigade ZOOMustahan nitong Biyernes ng hapon, August 14, halo-halo na daw ang naramdaman niya nang ibalita sa kanila mismo ni Direk Bitoy ang lagay ng kanyang kalusugan.

Screenshot taken from video conference of Kapuso Brigade with Betong Sumaya

Kapuso Brigade Zoomustahan

Wika niya, “Actually sa totoo lahat kami nabigla talaga, e.

“Mayrun kasi kaming group chat, may group chat po ang Bubble Gang. So si Kuya Bitoy, sobrang active siya, everytime nage-encourage siya, kamusta kayo guys?

“Pag si Kuya Bitoy, nagtanong sasagot lahat kami.”

Dagdag ng GMA Artist Center talent, “So, noong time na nangyari 'yun sa kanya, actually matagal na namin alam bago niya ginawan ng vlog, nalaman namin. Pero siyempre magkahalong gulat and at the same time nalungkot kami for Kuya Bitoy, kasi alam namin si Kuya Bitoy hindi talaga lumalabas.

“Parang, paano pa kami lumalabas, bumibili sa grocery, pupunta ka sa ganito. Although wala nga taping, pero siya 'yung sobrang ingat na ganun pa. Personally, naiyak talaga ako for him.”

Ayon kay Betong, sinigurado nila na bigyan ng moral support at ipagdasal si Michael V. habang ito ay nagpapagaling.

Aniya, “Ang tangi talagang namin magagawa talaga kay Kuya Bitoy is to give him moral support and through prayers talaga.

“Kung napanood n'yo naman 'yung vlog ni Kuya Bitoy 'yung kalungkutan niya di ba, kasi nandoon siya sa unit and then sa kabilang unit lang 'yung family niya, ang hirap!

“At totoo 'yun pag mayrun kang COVID-19 talaga ang laban mo ikaw lang mag-isa, although nandiyan 'yung family mo.

“Kailangan patatagin mo talaga 'yung loob mo, kasi pag naging mahina ka din, lalo ka manghihina din talaga. Thank God na si Kuya Bitoy, hindi naman siya severe case, hindi siya kailangan pumunta sa ospital, nasa bahay lang siya. Pero lagi siyang nag-uupdate,”

Ngayong magaling na si Michael V. isa pang magandang balita ang paparating ngayong August. Dapat daw abangan ayon kay Betong Sumaya ang nalalapit na fresh episode ng Bubble Gang sa August 21.

Isa ang award-winning gag show sa mga Kapuso programs na mayroong bagong episodes na hindi n'yo dapat paglagapasin tulad na lang ng #MPK o Magpakailanman, Amazing Earth, All-Out Sundays at marami pang iba.

Saad ni Betong na walong taon ng Kababol ngayong taon, dapat daw talagang abanagan ang mapapanood na fresh episode ng kanilang comedy program.

Sambit niya, “Sobrang excited na kami, kasi for the longest time puro replay po ang Bubble Gang, pero I think magkasunod po na week po ng Friday, I think last two Fridays po ng August fresh new episodes na ang Bubble Gang.”