
Bumuhos ang pasasalamat ng Bubble Gang star na si Betong Sumaya sa dati niyang katrabaho at kaibigan na si Robert Alejandro.
Maraming nagdadalamhati sa pagpanaw ni Robert, host ng Art Is Kool, noong November 5 sa edad na 60 years old.
Ayon sa mga ulat, taong 2016 pa nang ma-diagnose ang dating host ng sakit na colon cancer.
RELATED CONTENT: INSPIRING LIFE OF ROBERT ALEJANDRO
Sa post ni Betong, sinabi nito na nakasama niya ang yumaong host noong siya ay nagtrabaho sa The Probe Team.
Matapos siya maka-graduate sa Polytechnic University of the Philippines, naging production assistant siya noong mid-90s sa The Probe Team.
“Remembering you Robert Alejandro 🙏😍🙏 Thanks for the friendship ❤️ Maraming salamat sa pagkakataon na makatrabaho ka namin sa The Probe Team 🥰 Ty din sa mga drawing na ginawa mo, amazing” sabi ng Sparkle comedian.
RELATED CONTENT: Celebrities na namatayan ng mahal sa buhay