GMA Logo Betong Sumaya
Source: Alberto S. Sumaya Jr. (FB)
Celebrity Life

Betong Sumaya, nagbigay pugay sa yumaong makeup artist na si Mario Bernardino

By Aedrianne Acar
Published January 4, 2024 6:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

North Korea fired several missiles, South Korean military says
Local mall celebrates World Book Day with Filipino talents, hopeful kids
24 Chinese nabbed for alleged illegal employment, immigration violations

Article Inside Page


Showbiz News

Betong Sumaya


Betong Sumaya: 'Muli Nay Maria, maraming salamat'

Ramdam ang lungkot sa post ng Bubble Gang comedian na si Betong Sumaya nang magbigay pugay sa yumaong makeup artist na si Mario Bernardino o Maria.

Sa Facebook post ng Sparkle talent, ibinahagi niya ang ilang kuha kasama si Maria at inalala nito ang moments na magkasama sila.

Post ni Betong, “Maraming salamat Inay Maria sa lahat. Isang pagpupugay po sa napakagaling, napakabait at napakamasayahin na make-up artist ng GMA lalung-lalo na sa Bubble Gang.”

Ayon pa sa host at comedian, si Inay Maria ang “utak” sa look ng ilan sa mga sikat na karakter na ginampanan niya sa gag show tulad nina Antonietta at Mamaw.

“Siya ang utak at may pasimuno sa hitsura ni Antonietta, Mamaw, Nanay Sarap at iba pang karakter na aking ginampanan sa Bubble Gang.

“Salamat po sa friendship, masayang kuwentuhan habang minamake-upan ninyo ako, sa pagpapalakas ng loob sa akin at mga payo sa buhay sa loob ng 10 taon na nakasama ko kayo.” saad ni Betong.

Pagpapatuloy niya, “Hanggang ngayon kaming lahat ay hindi pa rin makapaniwala at sobrang nalulungkot. Guys let's pray for his soul. Let's also pray for strength and guidance para sa pamilyang kanyang naiwan. Muli Nay Maria maraming salamat at sobrang mamimiss po namin kayo.”

Samantala, nagdadalamhati rin ang multi-awarded comedian na si Michael V. sa pagpanaw ni Mario Bernardino na nakasama niya ng mahigit 25 taon.

Sabi niya sa isang Instagram post, “When I look my best and when I look like someone else, Maria has always been behind those looks.

“I will miss you my dear friend. Marami kaming nagmamahal at malulungkot sa industriya ngayong wala ka na.”

CELEBRITIES WHO PASSED AWAY IN 2023: