
May sorpresang pa-birthday ang Quiz Beh para sa game show host nitong si Betong Sumaya.
Sa episode na ito ay ipinakita ng Quiz Beh ang ilang Kapuso stars na sorpresang bumati sa kanilang kaibigan na si Betong. Ito ay sina Gabbi Garcia, Love Añover, Kim De Leon, Anthony Rosaldo, Maey Bautista, at Faye Lorenzo. Binati rin si Betong ng production team ng Quiz Beh.
Naging emosyonal naman si Betong nang batiin siya ng kanyang kapatid na si Ana Sumaya at mga pamangkin na sina Lukas at Luna, brother-in-law na si Romel Flores, kapatid na si Allan Sumaya, at ang kanyang ina si Virgie Sumaya.
Photo source: Quiz Beh
Hindi napigilan ni Betong na maluha sa mga mensaheng natanggap lalo na sa pamilya niyang matagal na niyang hindi nakakasama dahil sa quarantine.
"Naging emosyonal ako."
Saad ni Betong, "Unang-una maraming salamat po kay Gabbi, kay Love, kay Anthony, pati kay Maey, at siyempre sa family ko."
Nagpasalamat rin siya sa guests niyang sina Miggs Cuaderno, at sa mommy nitong si Judy, si Therese Malvar at ang mommy niya na si Cherry. Ilan pa sa mga pinasalamatan ni Betong ay ang GMA Network at GMA Artist Center.
Kuwento ni Betong, kakaiba ang naranasan niyang birthday ngayong 2020 dahil sa pag-iisa niya ngayong quarantine.
"Medyo kakaibang birthday po ito kasi mag-isa lang po ako dito ngayon. Ibang klase lang, pero 'yung pagmamahal, sa pamilya ko salamat. Kay nanay, kay Analyn, kay Allan, sa pamangkin ko si Lukas at si Luna, miss ko na kayo, sobrang miss na miss ko na kayo."
Dasal umano ng Kapuso star ay ang ikabubuti ng bawat isa sa mga pagsubok sa buhay.
"Prayers ko rin po ay lahat ay sana malagpasan po natin ang lahat ng ating pinagdadaanan."
RELATED CONTENT:
Betong Sumaya holds birthday benefit concert for typhoon victims