
Umaapaw ang pasasalamat ni Kapuso comedian Betong Sumaya sa parangal na natanggap sa Dakilang Filipino Awards na ginanap sa Quezon City noong Lunes, October 17.
Kinilala ang komedyante bilang Most Inspiring Actor-Comedian in Showbiz and Personality.
Sa Instagram, ibinahagi ni Betong ang pagkilalang natanggap at pinasalamatan ang pamilya at mga tagahanga. Binati rin ng aktor si Kapuso actress Elijah Alejo na pinarangalan naman bilang Most Remarkable TV Teen Actress of the Year ng nasabing award-giving body.
"To God always be the glory. [Thank you] Dakilang Filipino Awards for the recognition," sabi ni Betong. "I would also like to share this award to my family, GMA family, 'Bubble Gang' family, Sparkle family, and to all my friends and supporters. You are all amazing."
Noong Hunyo, napanood si Betong sa unang family sitcom ng GTV, ang Tols, kung saan nakasama niya sina Rufa Mae Quinto, Kelvin Miranda, Shaun Salvador, at Abdul Raman.
Patuloy naman ang paghahatid niya ng good vibes sa longest running gag show na Bubble Gang tuwing Biyernes, 9:40 p.m. sa GMA.
KILALANIN SI BETONG SUMAYA SA GALLERY NA ITO: