
Isa sa pinakakilalang komedyante ng bansa si Betong Sumaya. Isang dekada na ring nagbibigay kasiyahan ang Kapuso performer sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Pero bukod sa pagiging komedyante, isa sa pangarap ni Betong ang magkaroon ng sarili niyang awitin.
Kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa GMA Music nang mabigyan ng pagkakataon na makapag-record ng kauna-unahan niyang single, ang "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko," na inilabas noong April 28, 2020.
"I really love singing, performing. Kahit sino dumaan sa point na kapag isa talaga 'yun sa passion mo gusto mong kahit na papaano magkaroon ka ng song na 'Uy kanta ko 'yan, ni-record ko 'yan,'" sabi ni Betong.
Dagdag niya, "Isa talaga ito sa mga pangarap ko. At least ngayon kapag tumanda ka masasabi mo sa mga anak mo, sa mga apo mo, sa mga kaibigan mo 'Uy mayroon akong song.'"
Panoorin ang buong interview ni Betong Sumaya sa Behind The Song Podcast:
Samantala, mas kilalanin pa si Betong Sumaya sa gallery na ito: