GMA Logo Bettinna Carlos Mikki Eduardo and Amanda Lucia Carlos
Celebrity Life

Bettinna Carlos on their 'first times' in La Union: 'Fear of my life pero ang saya pala'

By Aimee Anoc
Published November 8, 2021 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Bettinna Carlos Mikki Eduardo and Amanda Lucia Carlos


"First-time Gummy surfed with just daddy and the first time I drove the motor on my own!" - Bettinna Carlos

Masayang ibinahagi ni Bettinna Carlos ang kanilang 'first times' sa La Union kasama ang anak na si Amanda Lucia "Gummy" Carlos at asawang si Mikki Eduardo.

Sa Instagram, ipinakita ni Bettinna ang video ng anak habang tinuturuang mag-surf ni Mikki. Makikitang go na go si Gummy kahit na ito ang unang beses na masusubukang mag-surf.

Gayundin, ibinahagi ni Bettinna ang unang pagkakataon niya na magmaneho ng motor. Kahit na may takot, masaya si Bettinna na naririyan ang asawa para alalayan siya.

A post shared by Bettinna Carlos Eduardo (@bettinnacarlos.eduardo)


"This week, first-time Gummy surfed with just daddy and first time I drove the motor on my own! Daddy coaching too. Ahhh fear of [my life]! Woot woot! Pero ang saya pala. At ang saya rin ng asawa ko. Sa wakas daw! Haha at sunset sesh pa!" sulat ni Bettinna.

Dagdag niya, "Lesson of the week yata ay courage. Haha! Thanks, daddy [Mikki Eduardo] for always encouraging us to go try to push to not be afraid."

Mahigit walong buwan na ngayong naninirahan sa La Union si Bettinna kasama ang kanyang asawa at anak.

Ikinasal sina Bettinna at Mikki noong December 2020 sa Tagaytay.

Samantala, balikan ang ilan sa kilig photos nina Bettinna Carlos at Mikki Eduardo sa gallery na ito: