
Ilang linggo matapos makaranas ng miscarriage sa pangalawa sana niyang anak, ibinahagi ni Bettinna Carlos isang nakakaantig na kuwento.
Ayon sa Instagram post ni Bettinna, nang malaman ng kanyang pamilya na siya ay nagdadalang tao, nagsimulang gumawa ng laruan at kumot ang kanyang anak na si Amanda Lucia "Gummy" para sana sa magiging kapatid nito.
Ngunit nang malaman na nakunan ang kanyang mommy, nawalan ng gana si Gummy na tapusin ang ginagawa niyang laruan.
Sa kabila ng lungkot na nararamdaman, ipinatapos pa rin ni Bettinna sa kanyang anak ang ginagawa nito bilang magsilbing remembrance nila tungkol kay Juammy.
Sa latest post ng celebrity mom, ibinahagi ni Bettinna ang ilang larawan kung saan makikitang hawak nila ni Gummy ang laruan sana ng kanilang little angel.
“Gummy's latest creation: Kelly, Juammy's supposedly first toy,” caption ni Bettinna sa kanyang post.
“When we learned we were pregnant, Gummy started making toys and blanket for her sibling. When we lost him, she felt discouraged and did not want to finish them anymore. Told her all the more she should in remembrance of him,” kuwento niya.
“Thanks baby for finishing it,” dagdag pa ng aktres.
Nito lamang February 1 nang ibahagi ni Bettinna sa Instagram ang malungkot na balita tungkol sa pangungulila nila sa dapat sana'y unang anak niya sa kanyang asawa na si Mikki Eduardo.
Pagbabahagi ng aktres, "Thank you everyone for your prayers and encouragement. Our family is well by God's grace. My husband and I are fully convinced of the Lord's sovereignty, goodness, and perfect will. Gummy of course very saddened by the answered prayer going unanswered again and so soon. But we trust the Lord holds her heart too.”
Ikinasal si Bettinna Carlos kay Mikki Eduardo noong December 2020.
Buong puso namang tinanggap ni Mikee si Amanda Lucia "Gummy" Carlos, ang anak ni Bettinna sa dating partner nito.
Samantala, kilalanin ang celebrities na nakaranas ng miscarriage sa gallery na ito: