GMA Logo bettinna carlos and mikki eduardo
Celebrity Life

Bettinna Carlos to Mikki Eduardo on her surfing photos: 'Ano ba problema Love?'

By Aimee Anoc
Published November 15, 2021 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

bettinna carlos and mikki eduardo


Bettinna Carlos: "Hindi pala nakaka-glamorous ang surfing! Bakit 'yung mga friends ko gaganda. Poise na poise!"

Hindi naiwasan ni Bettinna Carlos na maikumpara ang sarili sa larawan ng mga kaibigan na "poise na poise" habang nagsu-surfing.

Please embed: https://www.instagram.com/p/CWMxTF-vk4X/?utm_medium=copy_link

Sa Instagram, ibinahagi ni Bettinna ang mga larawang kuha ng kanyang asawang si Mikki Eduardo habang nagsu-surf siya sa La Union.

Aniya, "Hindi pala nakaka-glamorous ang surfing! Bakit 'yung mga friends ko gaganda. Poise na poise!

Biro pa ni Bettinna sa mga larawang kuha ng kanyang asawa, "Eh me? [Ano ba 'yan!] Ano ba problema Love? Ako ba o ako?"

A post shared by Bettinna Carlos Eduardo (@bettinnacarlos.eduardo)

Agad namang sinagot ni Mikki ang tanong na ito ni Bettinna, "Haha! Sorry, love. Nag-i-improve naman ako 'di ba?"

Sagot ni Bettinna, na may kasamang laugh emojis, "Oo naman. Bawing-bawi sa ibang bagay."

Maraming netizens naman ang natuwa at kinilig sa kulitan na ito nina Bettinna at Mikki sa Instagram.

"Expectation vs. reality," biro ni @emilypel.

"Beshie may tampo yata si beshie [Mikki Eduardo] sa 'yo," dagdag ni @joweesprudence.

"Ay naku! Kasalanan ng camera, hindi marunong umanggulo," sulat ni @marysarsua, na may kasamang laugh emoji.

"Ang cuteee!" pagbabahagi ni @lemonpatsicle.

Mahigit walong buwan nang naninirahan sa La Union si Bettinna kasama ang kanyang asawa at anak na si Amanda Lucia "Gummy" Carlos.

Ikinasal sina Bettinna at Mikki noong December 2020 sa Tagaytay.

Samantala, balikan ang ilan sa kilig photos nina Bettinna Carlos at Mikki Eduardo sa gallery na ito: