
Mapapanood na ang kilalang P-Pop boy group na BGYO sa GMA Afternoon Prime musical drama series na Born to Shine!
Binubuo ang grupo nina Gelo Rivera, Akira Morishita, Nate Porcalla, JL Toreliza, at Mikki Claver.
Sa panayam sa kanila ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Huwebes, May 14, inihayag ng grupo kung gaano sila ka-excited sa kanilang kauna-unahang acting experience na magkakasama.
“Ako 'yung pinakamasaya kasi first time namin magkaroon ng acting project na kumpleto kaming lima. And at first, siyempre hindi ko alam i-e-expect ko pero so far sa nagawa naming first day sa scenes, lahat kami nag-e-enjoy and natural lang sa amin,” sabi ni Gelo.
Very happy rin umano si Akira na mabigyan sila ng ganitong oportunidad.
KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG FILIPINO BOY BAND NA BGYO SA GALLERY NA ITO:
Gaganap ang BGYO bilang kanilang mga sarili, kaya hindi na umano sila masyadong nahihirapan. Kahit si Mikki, na first time sasabak sa pag-arte, hindi masyadong na-challenge.
“Just memorize the lines and try to say it more para pagdating du'n, okay na. And it's easier because I'm not trying to pretend [to be] someone [else], as me siya,” sabi ni Mikki.
Mapapanood sa serye ang sakripisyo at hirap na pinagdadaanan ng P-Pop groups at aspiring singers. Kaya naman, sobrang naka-relate dito ang BGYO, lalo na at ito rin ang karanasan nila noong nagsisimula pa lang.
“'Yung mga late-night training na nakakapagod, and we're fighting minsan or getting annoyed. Kasi, it's almost 2 am, and we're still practicing dances pa rin, pero it's fun,” sabi ni Nate.
Related gallery: P-pop group members na sumabak sa acting
Sinusundan ng Born to Shine ang kuwento ni Jeni (Zephanie) at ang pag-abot niya ng pangarap na maging isang singer sa pamamagitan ng pagsali sa P-Pop girl group na YUMI. Kinabibilangan ito nina Megan (Olive May), Yuna (Mitzi Josh), Nancy (Gaea Mischa), at Alfea (Naya Ambi).
Abangan ang BGYO sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.
Panoorin ang panayam sa BGYO sa 24 Oras dito: