GMA Logo bgyo jl toreliza in the clash
What's Hot

BGYO JL looks back on being a 'The Clash' contestant

By Jansen Ramos
Published May 26, 2026 7:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P292M in shabu intercepted at Manila container port - PDEA
Forecasted Heat Index (May 27, 2026) | One North Central Luzon
This popular local fries stall is offering free upsize until June

Article Inside Page


Showbiz News

bgyo jl toreliza in the clash


Dating contestant ng 'The Clash' ang BGYO member at Chinito P-Pop Charmer na si JL Toreliza, mula season one na ipinalabas noong 2018.

Full circle moment para sa BGYO member na si JL Toreliza ang pagiging judge ng The Clash Teens. Makakasama niya sa panel ang Star of the New Gen na si Jillian Ward at ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Dating contestant ng The Clash si JL, mula season one na ipinalabas noong 2018.

Sa media conference ng singing competition ngayong Martes, May 26, binalikan ng Chinito P-Pop Charmer ang kanyang experience bilang Clasher.

Kwento niya, "Bilang isang Clasher no'ng season one, tanda ko na sobrang hilaw pa ako. As in first time ko sumali sa isang singing contest so grabe ako kabahan, yung takot ko, 'yung confidence ko wala pa."

Ayon kay JL, malaki ang impact ng kanyang pagsali sa The Clash dahil nagamit niya ito sa kanyang singing career ngayon.

Patuloy niya, "So 'yung difference sobrang laki. Bukod sa pag-criticize ng contestants, nakikita ko sa kanila 'yung na-experience ko. Ang pinagkaiba n'ya sa 'kin is nadala ko na 'yung mga natutunan ko sa mga past performances ko sa pagsali ko sa singing contest na gusto ko i-share sa kanila. Ang gusto kong maging inspiration sa kanila para sa susunod na performance ng Clashers."

Bilang first time niya maging bahagi ng Clash panel, ano naman kaya ang judging style ni JL?

Sagot niya, "Gusto ko ipakita sa kanila, ma-share kung ano 'yung na-experience ko before, kung ano 'yung mga routine ko bago sumalang like paano mawala 'yung kaba, 'yung takot, and ,yung pagpili rin ng mga songs."

Dagdag pa ni JL, nais niyang mailabas ang pagiging authentic ng teen Clashers.

"And gusto ko sabihin sa kanila na maging totoo lang sila sa sarili nila kasi 'yung naging mali ko before, dati kasi 'pag singing contest, ang mindset ko pang contest 'yung kakantahin ko so nawawala na 'yung original, 'yung authenticity. So as a judge, gusto ko lang ilabas 'yung pagiging totoo ng mga teen Clashers."

Mapapanood ang The Clash Teens simula June 7 sa oras na 7:15 p.m. sa GMA.

Bago pa ito mag-premiere, ilulunsad ang online show ang programa na pinamagatang Behind The Clash, na mapapanood simula May 27 sa Kapuso Stream. Ipapalabas ito mula Miyerkules hanggang Biyernes sa oras na 5:20 p.m.

RELATED GALLERY: Meet the members of Filipino boy band BGYO