
Kinumpirma ng grupong BGYO na totoo ang bali-balitang love ban sa P-Pop groups.
Sa kabila nito, hindi naman masyadong nakaaapekto ito sa grupo dahil mas pinipili nilang mag-focus sa kanilang mga karera.
Bumisita ang mga miyembro ng grupo na sina Gelo Rivera, Akira Morishita, Nate Porcalla, at JL Toreliza sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, July 6. Dito, ibinahagi ni Akira ang tungkol sa love ban sa BGYO.
“Sinabi po sa amin na 'yung love ban po is for us to focus po du'n sa work po talaga namin. Nagkaroon po ng certain time na may love ban po,” sabi ni Akira.
Pagpapatuloy niya, “Ngayon po, 25 naman na po kami, matatanda na rin po kami, pero mas pinipili rin po namin mag-focus po sa work namin din kasi mas gusto po namin na mas mag-success po 'yung BGYO po, e.”
KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG P-POP BOY GROUP NA BGYO SA GALLERY NA ITO:
Samantala, dahil sumikat ang love team nina Gelo at aktres na si Alexa Ilacad sa isang micro series, maraming fans ang nagtatanong kung ano na nga ba ang estado nila ngayon.
Ayon sa BGYO leader, “Siguro po ang masasabi ko, getting to know [stage].”
LINK:
“Vina-value namin kung ano ang meron kaming partnership, pero, whatever happens, we just let it flow naturally,” sabi ni Gelo.
Bukod kay Gelo, na-link din si Alexa kay Akira dahil sa isang proyektong pinagsamahan nila. Pero paglilinaw ng BGYO singer, “We're friends po, getting to know din, nakasama ko na po kasi siya sa show pa before pa sa acting series namin.”
Naging mainit din ang pag-ship kina Gelo at The Secrets of Hotel 88 actress na si Bianca de Vera. Ngunit ayon sa BGYO member, nagsimula lang ito noong nakunan sila ng video na naglalakad sa kalsada.
“I think masasabi ko like 'yung connection naman namin was genuine naman, and we're really good friends po, Tito Boy,” paglilinaw ni Gelo.
Panoorin ang panayam sa BGYO dito: