
Hello, Philippines and hello, world!
May magandang balita muli si Kuya para sa mga Madlang People.
Nitong Biyernes (August 14), bumisita ang ilang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition alumni sa noontime program na It's Showtime.
Maliban sa pasabog na performances, may handog din na magandang balita ang PBB hosts na sina Bianca Gonzalez at Gabbi Garcia.
"Ang dami-daming nagtatanong, pero this is it. Ito na ang takdang panahon para sabihin na muling magbubukas ang bago at pinakasikat na bahay sa buong Pilipinas, dito sa panibagong season na Pinoy Big Brother Collab 3.0," anunsyo ni Bianca.
"Sanib-puwersa pa rin ang GMA at ABS-CBN studios. Kung 'yung dalawang nakaraang collab seasons ay mga celebrity housemates ang pinatuloy ni Kuya, bagong grupo ng mga housemate naman ang kanyang hinahanap," dagdag ni Gabbi.
Sa bagong season, magbubukas ang bagong bahay ni Kuya para naman sa mga ordinaryong Pilipino!
"Now is your chance para makipag-collab sa mga bagong titira sa loob ng bahay ni Kuya. Baka ikaw na 'yan!" hirit ni Kim Chiu.
Bukas ang audition sa lahat ng Pinoy worldwide na 18 to 35 years old.
Para sumali, bisitahin ang official webstie ng PBB Online Auditions: https://www.joinnow.ph/pbbcollab
Mag-send ng 1-minute video na naglalaman ng inyong pangalan, edad, lokasyon, at kung bakit karapat-dapat maging housemate sa bahay ni Kuya.
Magbubukas ang PBB Online Auditions ngayong gabi sa 24 Oras hanggang August 31, 11:59 p.m.
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang reunion moments ng PBB Celebrity Collab Edition ex-housemates sa It's Showtime, dito: