
Ipinakita ni Bianca Manalo ang ilang behind-the-scenes mula sa set ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa Sang'gre, napapanood si Bianca bilang Olgana, isa sa magiging kanang kamay ni Kera Mitena (Rhian Ramos) at ang ina ni Deia (Angel Guardian).
Sa latest na posts sa Instagram, ipinasilip ni Bianca ang battle training nila sa Mine-a-ave, maging ang ilang mga eksena kasama sina Gabby Eigenmann (Zaur) at Shuvee Etrata (Veshdita).
Ibinahagi rin ni Bianca ang mga eksena kung saan naka-warrior costume ito.
Subaybayan si Bianca Manalo bilang Olgana sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: