'Encantadia Chronicles: Sang'gre' pilot episode, pinusuan online at panalo sa ratings!

Nagsimula na ang bagong yugto ng mga Sang'gre sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Kagabi (June 16), marami ang nakaantabay sa pinakahihintay na pilot episode nito. Nakakuha pa nga ng ratings na 13.7 percent base sa data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Bukod sa mataas na ratings, pinusuan din ang episode online! Bago pa nagsimula mismo ang programa, trending na kaagad ang hashtag #SanggreWorldPremiere sa X (dating Twitter) at iba pang related tags.
Umani rin ito ng mainit na suporta sa Facebook, Instagram, YouTube, at TikTok kung saan dagsa ang positive reactions ng netizens.
Basahin ang ilang papuring natanggap ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa pilot episode nito rito.






