
Tuluyan na ngang namaalam ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition nitong Huwebes, May 29, bilang isa sa mga houseguests ni Kuya.
Puno naman ng aral at pagmamahal ang kaniyang pamamalagi sa loob ng bahay ni Kuya na siyang masayang ibinahagi ni Bianca, o nakilala ng mga housemates bilang B, sa kaniyang Facebook account.
Sa naturang post ay ipinakita ni B ang nameplate ng kaniyang ina na si May na isa raw sa mga sumusuporta sa sikat na reality TV show.
“My [PBB Collab] story - pumasok [nang] magisa, lumabas [nang] may ka-duo: B & MAY,” saad ni Bianca. “Nakakakiliiig!!!”
Grateful din ang Kapuso star sa mainit na pagtanggap sa kaniya sa loob ng bahay ni Kuya.
Aniya. “Mga Kapuso at mga Kapamilya, maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ninyo saamin ng mommy ko inside the Pinoy Big Brother House.”
Mensahe naman nito kay Big Brother: “KUYA, MAHAL KA PO NAMIN! GRABE KA PO OPO!!!”
Natanggap ni B ang espesyal na nameplate sa kaniyang huling pakikipag-usap kay Big Brother bago ito tuluyang mamaalam. “Maraming salamat din daw po, Kuya; natupad po ninyo ang pangarap niya. Baon ko po ito hanggang sa tumanda ako, Kuya.”
Dagdag pa niya, “Sigurado po ako na sumasayaw po siya ngayon sa theme song na “Pinoy Ako” doon po sa langit.”
RELATED CONTENT: CELEBRITY HOUSEGUESTS SA PINOY BIG BROTHER: CELEBRITY COLLAB EDITION