
Umaani ngayon ng positive reactions mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition viewers at netizens ang Sparkle star na si Bianca Umali.
Ito ay kasunod ng pagpasok ni Bianca sa Bahay Ni Kuya bilang pinakabagong houseguest.
Bukod sa kagandahang taglay ng Kapuso star, marami rin ang nakapansin sa kaniyang kasipagan at pagiging responsible.
Sa previous episodes ng programa, tampok din ang pagiging mahusay ni Bianca sa bawat task.
Matatandaang sa pagpasok ni Bianca sa iconic house, na-starstruck sa kaniyang facial features ang isa sa celebrity housemates na si Xyriel Manabat.
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Si Bianca ay mapapanood ngayong 2025 sa nalalapit na pagpapalabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Samantala, patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang naturang programa, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.