
Matagumpay ang naging pagtatapos ng GMA Primetime series na The Legal Wives na pinagbidahan ni Bianca Umali kasama sina Dennis Trillo, Andrea Torres, at Alice Dixson.
Matapos ito ay nagtungo sa Siargao si Bianca upang saglit na magbakasyon at magpahinga. Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Martes, November 16, sinabi ng Kapuso actress na talagang kinarir niya raw ang pagbibilad sa araw para ma-achieve ang tan skin.
"Every time naman ho na nagbi-beach ako, nagdadagat ako, talagang masaya ho ako. And I think it's also one of the reasons why sumakto rin sa akin si Sahaya noon, kasi hilig ko talaga 'yung dagat at hilig ko talagang nakabilad ako sa araw," ani Bianca.
Ginamit rin daw ng aktres ang kaniyang oras ng bakasyon upang makapag-isip at mag-reflect sa buhay.
"I spent so much time reflecting and resting. I also made a lot of new friends. And I enjoyed my time away from the city," kuwento ng aktres.
"I really had to move away from what my normal life is just to think and para makahinga lang. Para mas makita 'yung bigger picture," dagdag niya.
Fresh from Siargao, dumalo naman si Bianca sa briefing para sa kaniyang upcoming project. Sisimulan na rin daw ng aktres ang pagpaplano para sa pagdiriwang ng Pasko.
Samantala, mas kilalanin pa ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa gallery na ito: