
Ngayong gabi, November 12, ang finale episode ng GMA Telebabad series na Legal Wives.
Nakabalik na sa piling ng kanyang pamilya si Ismael (Dennis Trillo), pero muli naman mawawala ang kanyang first wife na si Amirah (Alice Dixson).
Aamin naman si Abdul Malik (Bernard Palanca) na siya ang pumatay kay Vince (Jay Arcilla).
Tila unti unti na ring nagbabago si Marriam (Ashley Ortega) sa tulong ni Edgar (Derrick Monasterio).
Dahil dito, sa tingin ng maraming manoonod ay marami pang mga kuwentong maaring ibahagi ang serye.
Kaya naman humihiling sila na ipagpatuloy pa ang kuwento nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng book 2.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento.
Samantala, huwag palampasin ang finale episode ng Legal Wives, ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.