GMA Logo Bianca Umali new movie
Source: bianxa (IG)
What's Hot

Bianca Umali, ipinasilip ang paghahanda niya para bagong pelikula

By Marah Ruiz
Published July 6, 2023 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IRR sa ‘No to Single Use Plastic’ Ordinance sa Davao City, gipagawas na | One Mindanao
Alex Eala, Ingrid Martins bow out of Australian Open doubles
Lee Victor to release debut single 'Nagkakahiyaan,' a relatable pop track about unspoken attraction

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali new movie


Ipinasilip ni Bianca Umali ang paghahanda niya para sa kanyang bagong pelikula kung saan makakasama niya si Nora Aunor.

Masusing pinaghahandaan ni Kapuso actress Bianca Umali ang bago niyang pelikula kung saan makakasama niya si National Artist at Superstar Nora Aunor.

Sa isang post sa Instagram, pinasilip ni Bianca ang ilang acting notes niya para sa kanyang sarili.

Bukod dito, pinanood din niya ang iconic 1982 film ni Nora na Himala.

"research & preparation," simpleng caption ni Bianca sa kanyang post.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Ilang araw rin namalagi si Bianca sa Siquijor kung saan nakatakdang i-shoot ang pelikula.

@nahnet_b

Work & leisure...Siquijor ❤️

♬ Take You There - Sean Kingston

Wala pang gaanong detalye tungkol sa movie project pero makakasama nina Bianca at Nora sina EA Guzman at Kelvin Miranda dito.

Samantala, kauuwi lang ni Bianca ng Maynila kung saan sinorpresa pa siya ng nobyo at kapwa Kapuso star na si Ruru Madrid. Sinalubong ni Ruru si Bianca sa airport at dinalahan pa ito ng mga bulaklak.

Tulad ni Bianca, busy na rin si Ruru dahil nagsimula na ang taping ng upcoming full action series niya na Black Rider. Abangan ito, soon on GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG FAVORITE ACCESSORY NI BIANCA UMALI NA NAGKAKAHALAGA NG MAHIGIT PHP 25,000 DITO: