
Damang dama ang excitement mula kay Kapuso actress Bianca Umali nang i-share niya ang selfie nila ng National Artist and Superstar Nora Aunor.
"Parang panaginip, pero hindi. Isang karangalan. Maraming salamat po, Ama," sulat niya sa caption ng kanyang post sa Instagram.
Nakatakdang magsama si Bianca at Nora sa isang upcoming na pelikula na nakatakdang i-shoot sa Siquijor.
Wala pang ibang detalye tungkol sa pelikula bukod sa cast nito kung saan kabilang sina Bianca, Nora, Kelvin Miranda at EA Guzman.
@nahnet_b Excited for this film ❤️ Congratulations @bianxxxxxxxa ♬ Success Story - Background Music Lab
Bukod sa upcoming movie na ito, abala rin si Bianca sa paghahanda para sa mga bago niyang proyekto.
Sumailalim siya sa stunt training kasama ang nobyo at kapwa Sparkle star na si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid.
SAMANTALA, SILIPIN ANG FIESTY PHOTO SHOOT NI BIANCA UMALI PARA SA PEP HEADLINER DITO: