GMA Logo Bianca Umali
What's Hot

Bianca Umali, magbibigay inspirasyon bilang bus conductor sa anniversary episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published August 4, 2022 7:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Abangan si Bianca Umali bilang Marife sa first anniversary episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Kaabang-abang ang first anniversary episode ng Wish Ko Lang na pagbibidahan ni Kapuso actress Bianca Umali.

Bibigyang-buhay ni Bianca sa "Sugal" episode ang totoong kuwento ng buhay ni Marife, na todo ang pagsusumikap sa buhay bilang isang bus conductor matapos na malulong sa sugal ang amang si Edgar (Ian de Leon).

Ayon sa aktres, masayang-masaya siya sa pagbuo ng istorya ni Marife. Aniya, "Kahit na napakabigat ng material, kahit na seryosong istorya, hindi ko nararamdaman na trabaho dahil napakaganda ng pagkakasulat."

Ikinuwento rin ni Bianca kung paano siya nakaka-relate sa kanyang role bilang bus conductor.

"Noong bata pa ako noon at nagko-commute ako, lagi akong nakakasakay ng mga bus at ang isa sa kinaaaliw ko ay ang mga conductor kasi ang bilis ng kamay nilang magbigay ng ticket, ng sukli, at saka 'yung nakakabit pa sa thumb nila.

"Kaya in-apply ko 'yun dito sa sinu-shoot namin. Talagang hinanap ko 'yung mga detalye na 'yun dahil iyon 'yung nakabase sa aking personal experience noong bata pa ako,"kuwento ng aktres.

Makakasama rin ni Bianca sa anniversary special episode na ito sina Andrea del Rosario, Prince Clemente, Bryce Eusebio, at Dentrix Ponce.

Huwag palampasin ang special episode na ito ng Wish Ko Lang para sa kanilang ika-20 taong anibersaryo ngayong Sabado, August 6, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: