
Sa pagdiriwang ng ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang, mas maraming kahilingan ang mabibigyang katuparan.
Ngayong Agosto, bonggang mga regalo at sorpresa ang inihanda ng Wish Ko Lang para sa mga kahilingang bibigyang katuparan nito.
Bukod sa mas pinalaking "Instant Wishes" kung saan makatatanggap ng PhP5,000 cash gift ang mapipiling Instant Wish winner, ipamimigay na rin ng kauna-unahang wish-granting program ang pinakamalaking Wish Ko Lang Savings nito na nagkakahalaga ng PhP100,000 para sa bawat kuwentong itatampok nito.
Apat na malalaking kuwento na magbibigay ng aral, pag-asa, at inspirasyon ang handog ng Wish Ko Lang na pagbibidahan ng mga bigating artista.
Huwag palampasin ang 20th anniversary episodes ng Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG WISH KO LANG DITO: