GMA Logo bianca umali
Photo by: Gerlyn Mae Mariano
What's on TV

Bianca Umali, masaya sa mainit na suporta ng mga tao sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published June 21, 2024 12:47 PM PHT
Updated May 16, 2025 1:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

bianca umali


Bianca Umali: "Masaya kami na nararamdaman 'yung init ng pagtanggap at pag-abang ng mga tao sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'"

Mainit ang naging suporta ng fans sa pagbisita ng Sang'gre stars na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian, at Rhian Ramos sa naganap na TOYCON Evolution 2024 sa SMX Convention Center Manila noong June 15.

Sa nasabing event, bukod sa pagpapasaya sa fans on stage, nagkaroon din ng fansign session ang cast kung saan nabigyan ng oportunidad ang Encantadiks na makapagpa-picture at makatanggap ng signed merchandise sa kanila.

Sa interview ng GMANetwork.com, ipinarating nina Bianca, Faith, Angel, at Rhian ang saya at pasasalamat sa mainit na pagsuporta ng mga tao sa paparating nilang malaking proyekto.

Sabi ni Bianca, "Masaya kami na nararamdaman 'yung init ng pagtanggap at pag-abang ng mga tao sa Encantadia Chronicles: Sang'gre."

Pagpapatuloy niya, "Natutuwa kami kasi nabibigyan kami ng oportunidad na pumunta sa mga events katulad nito kung saan 'yung mga tao at mga Encantadiks lalo ay nakakasama namin. We cannot wait na mapanood nila finally kung ano 'yung pinaghihirapan namin ngayon."

Masaya at excited din si Angel na nagsisimula na ang kanilang taping para sa Sang'gre at unti-unti na itong nabubuo.

"Hindi na kami makapaghintay na maipakita na rin sa mga tao 'yung ginagawa namin, 'yung pinaghihirapan namin. I just wanna thank you guys and see you sa mga darating pang events namin," ani Angel.

Pagbabahagi naman ni Rhian, "Matagal na kasi namin 'tong pinaghahandaan at pinag-uusapan, so just the feeling and knowing na its coming very soon, mas nadadagdagan 'yung excitement namin."

Masaya rin si Faith na maraming sumusuporta sa journey nilang ito.

"Ang sarap din sa feeling to show appreciation sa mga Encantadiks na sumusuporta. Maraming naghihintay, katulad namin matagal din kaming naghintay for this and proud kami sa ipapakita naming output.

"I'm so grateful for everyone that's been supporting 'yung journey namin. At katulad ng sinabi ni Bianca super excited kami na mapanood n 'yong lahat ang Sang'gre."

Sa continuation ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre, makikilala sina Bianca bilang Terra, Kelvin bilang Adamus, Faith bilang Flamarra, at Angel bilang Deia, ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre.

Makakasama rin sa iconic telefantasya na ito ng GMA sina Glaiza De Castro na magbabalik bilang Pirena at Rhian Ramos na gaganap bilang ang Ice Queen na si Mitena.

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.

BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: