GMA Logo bianca umali at dustin yu on pbb
Photo source: bianxa (IG), dustinyuu (IG)
What's Hot

Bianca Umali, may payo sa introvert na si Dustin Yu

By Karen Juliane Crucillo
Published May 29, 2025 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Momo resigns as member of 2026 nat'l budget bicam
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH

Article Inside Page


Showbiz News

bianca umali at dustin yu on pbb


Alamin ang heart-to-heart talk nina Bianca Umali at Dustin Yu sa 'Bahay ni Kuya.'

Maliban sa saya na hatid ni Bianca Umali sa Pinoy Big Brother house bilang bagong houseguest, nagbigay din ito ng comforting words sa kaniyang kapwa Sparkle artist na si Dustin Yu.

Sa isang episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ibinahagi ni Dustin kay Bianca ang kanyang pagiging introvert at kung anong klaseng tao siya noong nasa labas pa lamang siya ng Bahay ni Kuya.

"Before coming in, ayun din yung kinakatakutan ko kung paano ako maiintindihan dito kasi parang I started early in life at marami na akong pinagdaanan," ikinuwento ni Dustin kay Bianca.

"And you're an introvert, too," sabi ng Sang'gre star na nakaka-relate din sa ugali na ito ni Dustin.

Sumang-ayon naman si Dustin at ipinaliwanag na kaya minsan siya ay seryoso dahil isa siyang introvert. Naisip din ng Sparkle artist, bago siya pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya, na kailangan maging "fun" bilang isa sa mga housemates.

Ngunit, inamin niyang nagkaroon siya ng ginhawa ng mapag-usapan din ng mga housemates ang kanilang buhay.

Kaugnay nito, nagbigay ng advice si Bianca, "I think, ayun naman talaga yung klaro na nire-represent ninyo, e, like different types of personalities. So you don't even have to... even if you have this thinking na kapag nasa PBB ka, you have to be fun in life. But then, it's not you, then that is the wrong way to go.

"It's a reality show, you don't have to put on anything for people to love you. Just be yourself and all the more the people will appreciate you. Although, not everyone will understand you but that is okay kasi iba iba tayong tao. If they have a problem with you, it's their problem, not yours."

Pinaalalahanan din ni Bianca si Dustin na hanggang wala itong naaapakan na tao at mayroon siyang "good intentions," wala itong magiging problema.

Simulang pumasok sa Bahay ni Kuya si Bianca bilang houseguest nitong Linggo, May 25.

Mapapanood din si Bianca sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa GMA Prime.

Samantala, balikan dito ang iba pang mga naging houesguest sa Bahay ni Kuya:

Patuloy na tumutok sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ang naturang programa, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.