GMA Logo Bianca Umali
Photo Source: bianxa (IG)
What's Hot

Bianca Umali, nag-aaral nang sumakay ng motorsiklo

By Marah Ruiz
Published August 3, 2024 5:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Nag-aaral si Bianca Umali na sumakay ng motorsiklo bilang paghahanda para sa isang bagay. Ano kaya ito?

Ibinahagi ni Kapuso actress Bianca Umali na may isang mahalagang bagay siyang pinag-aaralan ngayon.

Sa isang post sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres na kasalukuyan siyang nagsasanay na sumakay ng motorsiklo.

Ayon kay Bianca, paghahanda ito para sa isang bagay pero hindi pa siya nagbigay ng kahit anong detalyo tungkol dito.

"Learning something new for something. *wink wink*," panimula ng kanyang caption.

Iniaalay rin daw niya ang pag-aaral niya para dito sa kanyang yumaong ama.

"This one's for my Daddy up in heaven too.

"It was his ultimate dream for us to ride together…

"Well… now that I'm here - we may not be riding side by side but I will surely be riding with him in my heart all the time. ," lahad niya.

Isang post na ibinahagi ni Bianca Umali (@bianxa)

Samantala, very supportive naman kay Bianca ang nobyo niyang si primetime action hero Ruru Madrid.

Isa ring kilalang motorcycle enthusiast si Ruru na katatapos lang sa kanyang pinagbidahang GMA Prime full action series na Black Rider.

Gumanap dito si Ruru bilang isang delivery rider na naging vigilante.

"Mrs.Black Rider ," komento niya sa post ni Bianca.

PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE

Abala si Bianca ngayon sa taping ng upcoming series na Sang'gre na bahagi ng mundo ng iconic telefantasya na Encantadia.

Bibida siya rito bilang Sang'gre Terra, ang bagong tapangalaga ng brilyante ng lupa.

SILIPIN ANG PAGBISITA NG CAST NG SANG'GRE SA TOYCON EVOLUTION 2024 DITO: