
Inamin ni Bianca Umali na marami na siyang "tears of joy" para sa dream project na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Kuwento ni Bianca sa exclusive interview ng GMANetwork.com, hindi niya naiiwasang maiyak palagi para sa show--simula nang sabihin ito sa kanya ng GMA tatlong taon na ang nakalilipas, hanggang sa makita na niya ang mga susuoting costume para sa gagampanang karakter na si Sang'gre Terra, ang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa.
"Umiyak ako. Actually... So, ito fun fact. Because nga it's a dream that I never dreamt of every time na may progress 'yung show, iyak ako nang iyak," ani Bianca.
"From the first time that Miss Annette told me this three years ago, I cried. Fast forward to the day that they finally announced me, I cried. Until the storycon, I cried.
"My first taping day, I cried, I always cry. So all the more na nakikita ko na 'yung mga costume and nakapag-fight scene na ako and everything, I keep on crying. Hindi ko na lang dino-document lahat pero it's a fact, ang daming tears of joy," dagdag niya.
Pagbibidahan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, Angel Guardian bilang Deia.
Makakasama rin sa iconic telefantasya na ito ng GMA sina Glaiza De Castro na magbabalik bilang Pirena at Rhian Ramos bilang ang Ice Queen na si Mitena.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, soon sa GMA Prime.
BALIKAN ANG PAGPAPAKILALA NG NEW-GEN SANG'GRES SA PHILIPPINE BOOK FESTIVAL 2024 SA GALLERY NA ITO: