GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre actress Bianca Umali as Terra
What's on TV

Bianca Umali, naging hands-on sa creative process para sa huling laban ni Terra kay Gargan

By Aimee Anoc
Published February 10, 2026 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together
OCD warns residents near Mayon Volcano about possible pyroclastic fall, ashfall
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre actress Bianca Umali as Terra


"Grateful po ako sa production ng 'Sang'gre' kasi they gave me the opportunity to actually be part of the process--sa pagsusulat ng script, sa paggawa po ng action scene, sa pag-edit, sa pag-supervise po sa VFX." - Bianca Umali

Aminado si Bianca Umali na naging intense ang kanyang paghahanda at collaboration para maibigay ang nararapat na fight scenes at emosyon para sa huling laban ni Terra kay Gargan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa #SanggreHulingLaban na napanood noong Lunes (February 9), mabigat at tagos sa puso ang naging laban ni Terra kay Gargan kung saan kahit hinang-hina na ay pilit itong lumalaban upang hindi mapasakamay ni Gargan ang Brilyante ng Lupa.

"Talagang pinaghirapan naming lahat at naging hands-on ako sa eksenang 'to na kami ng action team ko ang nag-choreo ng buong fight namin," pagbabahagi ni Bianca sa interview kay Athena Imperial ng 24 Oras.

"Grateful po ako sa production ng Sang'gre kasi they gave me the opportunity to actually be part of the process--sa pagsusulat ng script, sa paggawa po ng action scene, sa pag-edit, sa pag-supervise po sa VFX," dagdag niya.



Ayon pa kay Bianca, nakatulong ang magandang samahan nila ng aktor na si Tom Rodriguez, na gumaganap na Bathala ng Kadiliman na si Gargan, para sa execution ng kanilang fight scenes sa Sang'gre.

"Sabi ko kung kailangan man namin ng tulong ng isa't isa, i-sinet namin 'yon na makakapagtulungan kami. Napakabait niyang tao at napakasarap din niyang makatrabaho. At nakaka-inspire actually 'yung dedication niya," sabi ni Bianca kay Tom.

Hirit pa ni Bianca, dapat na ihanda ng Encantadiks at manonood ang kanilang mga sarili para sa mga hindi inaasahang eksena sa hit fantaserye.

"Excited po kami na maipalabas kung ano po ang mga na-shoot namin. At kung ano 'yung mga mangyayari lalo na sa mga characters namin.

"At ako, specifically, excited ako para sa mga mangyayari kay Terra kasi mayroon kaming mga ginawang mga eksenang kaabang-abang. Hindi aakalain na mangyayari."


Subaybayan ang pagpapatuloy ng huling laban ni Terra kay Gargan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.