GMA Logo Bianca Umali
What's on TV

Bianca Umali, nakatanggap ng tips mula sa para dance sport champion na gagampanan niya sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published October 23, 2020 7:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Personal na nakatanggap si Bianca Umali ng tips mula kay Lairca Nicdao, ang para dance sport champion na gagampanan niya sa bagong episode ng '#MPK.'

Buhay ni Lairca Nicdao, isang dalagang naging dance sport champion kahit naputulan ng binti, ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Si Kapuso actress Bianca Umali ang napili para bigyang-buhay ang kanyang kuwento.

Sayaw ng Buhay on MPK


Masaya si Bianca na personal niyan nakausap at nakahalubilo si Lairca.

May special participation si Lairca sa mismong episode kaya nagkaroon si Bianca ng pagkakataon na makilala siya.

"During the taping day she was on set with me so lahat ng questions ko sa kanya sinasagot naman niya kapag kailangan ko ng tulong," bahagi ni Bianca sa Kapuso Brigade ZOOMustahan na ginanap noong October 23.

Inobserbahan din daw ni Bianca ang pagkilos, lalo na ang palalakad, ni Lairca para mapaghandaan ang role.

"Bago ako sumalang sa set she was with me inside my standby area kasi inaral ko kung paano siya maglakad with her prosthetic leg. [Inaral ko rin] 'yung time na wala pa siyang prosthetic leg, 'yung naka saklay pa lang siua. Kasama ko siya sa set the whole day," kuwento niya.

Anim na taong gulang pa lamang si Lairca nang maputulan ng binti dahil sa bone cancer.

Sa edad na 17, sumali siya sa unang pagkakataon sa 2019 World Para Dance Sport Championships in Bonn, Germany.

Naiuwi niya mula dito ang gold medal sa women's junior single class 2 event.

Tunghayan ang kuwento ng kanyang buhay sa episode na pinamagatang "Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story," ngayong Sabado, October 24, 8:15 pm sa '#MPK.'

Samantala, kung gusto niyo rin makabonding ang inyong favorite Kapuso stars online, sumali na sa Kapuso Brigade! I-message lang ang Facebook, Twitter o Instagram account ng @kapusobrigade para malaman kung paano sumali.