GMA Logo Bianca Umali and Ruru Madrid
Source: bianxa (IG)
What's Hot

Bianca Umali, nami-miss si Ruru Madrid na nasa loob ng PBB house ngayon

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 27, 2025 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano lava flow seen —PHIVOLCS
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Ruru Madrid


Longing for her “Matcha Man” ang 'Sang'gre' star na si Bianca Umali.

Umabot sa kilig at matinding emosyon ang fans ni Kapuso actress Bianca Umali matapos nitong magbahagi ng isang nakakatuwa ngunit nakakaantig na post sa social media na nagpapahiwatig ng pagka-miss niya sa kaniyang partner, ang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Nag-post si Bianca ng larawan ni Ruru habang nakasuot ng green na cap at cardigan habang umiinom ng kanyang Matcha drink.

“Macho man? Pass. Matcha man? Yes, always,” sabi ni Bianca sa kanyang caption.

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)


Sinundan naman ito ng isang funny and witty message mula kay Bianca na tila nagpapahiwatig ng kanilang pansamantalang pagkakahiwalay dahil sa trabaho.

Kamakailan lang kasi ay pumasok si Ruru sa Bahay ni Kuya bilang isang Celebrity House Guest sa bagong edition ng PBB Celebrity Collab.

Ang nakakatuwang mensahe ni Bianca sa kanyang caption ay tila nangungusap siya kay Big Brother at nagtatanong kung kailan ba niya ulit makakasama ang boyfriend na si Ruru.

“Knock knock po Kuya, miss ko na po si Ruru. Hanggang kailan po ako maghihintay na makasama siya ulit?” sabi niya.

Naging house guest si Bianca sa naunang season ng PBB Celebrity Collab Edition at si Ruru naman ang kauna-unahang Kapuso house guest na pumasok sa loob ng bahay sa ikalawang season nito.

Related Gallery: Bianca Umali Spends Birthday With Boyfriend Ruru Madrid