GMA Logo bianca umali and ruru madrid
What's on TV

Bianca Umali, nilinaw ang nangyaring insidente sa parking lot kasama si Ruru Madrid

By Jimboy Napoles
Published March 7, 2023 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rains over parts of PH
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

bianca umali and ruru madrid


Matatandaan na naging usap-usapan noon ang nangyaring insidente kasama si Bianca Umali kung saan muntik niya umanong masagasaan si Ruru Madrid.

Nilinaw ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa Fast Talk with Boy Abunda ang isyu tungkol sa nangyaring insidente noon sa isang parking lot ng kilalang mall sa Mandaluyong kung saan muntik umano niyang masagasaan ang boyfriend na si Ruru Madrid.

Mabilis pero siksik ang naging panayam ng TV host na si Boy Abunda kasama ang aktres na si Bianca kung saan napag-usapan nila ang relasyon nito sa aktor na si Ruru.

Dito ay maingat na binuksan ni Boy ang usapan tungkol sa “parking lot incident” na nangyari kina Bianca at Ruru noon.

Aniya, “Let's address the elephant in the room…people are talking about an incident that happened sa likod ng Megamall kung saan nagselos ka at muntik mong sagasaan si Ruru. Tama ba 'yung narrative na 'yun mali ba, pagseselos ba 'yun? Was that declaring, 'This is my territory and nobody messes with me.' What was that?”

Confident naman itong sinagot ni Bianca kung saan pinatotohanan niya ang nangyaring insidente. Ngunit ayon sa aktres, “exaggerated” ang mga lumabas na balita noon tungkol dito.

Aniya, “To clear things [up] there was an incident pero 'yung lahat po ng lumabas na istorya 'yung lahat po ng nabasa n'yo to the point na muntik ko nang masagasaan [si Ruru Madrid] it was exaggerated at some point.”

Paliwanag ni Bianca, pinili niyang huwag nang magsalita tungkol dito dahil hindi niya na kailangan magpaliwanag pa sa mga tao noon.

“I did not talk about it anymore kasi I don't see the point of clearing the story, ng side ko, sa lahat ng tao. So I just let it be na ganun 'yung tingin nila. But yes, there was an incident,” ani Bianca.

“Selos 'yun?” tanong ni Boy tungkol sa dahilan ng insidente.

“Merong history na pinanggagalingan,” sagot naman ni Bianca.

Aminado si Bianca na selosa siya pagdating sa karelasyon pero sinisigurado niyang nasa tamang lugar ang kaniyang pagseselos.

Paglalahad niya, “I think kaya ko nasasabi na selosa ako especially [in] my relationships is because ganun po ako ka-grabe magmahal that I am territorial and 'yung pagkaselosa ko po alam ko na nasa lugar.

“Kapag alam ko na meron akong pagseselosan doon ako nagseselos and I have been right all the time.”

“And Ruru knows that,” pagsang-ayon ni Boy.

“Yes, alam niya 'yan,” ani Bianca.

Ayon pa kay Bianca, halos isang taon silang naghiwalay noon ni Ruru matapos ang insidente pero nanatili naman ang kanilang komunikasyon dahil sa pagmamahal nila sa isa't isa.

Kuwento ni Bianca, “We were in touch kasi ganun namin kamahal 'yung isa't isa, Tito Boy. I mean even ako kahit na in times na nasasaktan ako kapag mahal kita, mahal kita e, okay lang na masaktan ako it's part of it.”

Ibinahagi rin ng aktres na ginawa nila ni Ruru ang lahat upang maisalba ang kanilang relasyon.

Wika niya, “So we were in touch but Ru did everything that he could to save the relationship and to win me back and I did so much work also to forgive and to say that, 'Okay let's start again because I love you.”

Samantala, abangan naman sina Bianca at Ruru sa kanilang first-ever series together na The Write One na isa sa mga biggest collaboration ng GMA Network at ng Viu Philippines.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA BIANCA UMALI AT RURU MADRID SA GALLERY NA ITO: