
Bibigyang-boses ni Bianca Umali ang title role na si Ella sa upcoming fantasy-horror animated film ng GMA Pictures na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.
Sa “Chika Minute” report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, ikinuwento ng aktres ang puspusang paghahanda na ginawa niya para sa kanyang karakter na si Ella tulad ng pagsalang sa workshop kasama ang dubbing facilitator.
“Iba po ang acting on TV kumpara sa acting na boses lang ang gagamitin mo dahil animated film ang iyong binubuo. I really did put myself through one whole workshop with [a] dubbing facilitator para magawa ko 'yung voice acting nang tama dahil sinabi ko nga rito sa production team na ito, sa Team Ella, na hindi po ako sasalang nang hilaw,” pagbabahagi niya.
Kamakailan lamang ay dumalo si Bianca sa naganap na ToyCon 2026 sa isang convention center sa Pasay City, kasama sina GMA Public Affairs Senior Assistant Vice President Angeli Atienza, director Mervin Malonzo, at comic book author at illustrator na si Julius Villanueva.
Ipinakita sa naturang event ang prototype ni Ella at sinabi ni Bianca na ang kanyang karakter ay “imperfect.”
Aniya, “Even as a toy, even as a person, Ella is imperfect. Ella is not polished. Si Ella naka-tsinelas, naka-shorts, 'yung bag niya malaki para sa kanya kasi bag ng Lola niya, at 'yung buhok niya puro tutchang. 'Yung ilong niya hindi matangos, lagi siyang galit, hindi siya nagpapaganda dahil I think that's a testimony na you don't have to wear a cape for you to be a hero. You don't have to be perfect for you to do good things.”
Panoorin ang buong 24 Oras report sa video na ito.
Sa naging panayam naman ni Nelson Canlas kay Bianca noong Mayo, ibinahagi ng aktres na marami siyang nadiskubre sa kanyang sarili sa Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.
“I guess it's really more being able to discover 'yung weaknesses and strengths ko as an artist. And I'm looking forward to accepting this project kasi kakaibang journey siya for me. At sobrang ganda nung materyal. I'm excited to bring life and to bring voice into her life,” sabi ni Bianca,” kwento niya.
Related gallery: The career milestones of Bianca Umali