
Kahit busy sa trabaho si Bianca Umali ay sinisigurado pa rin niyang nabibigyan ng oras ang kaniyang adbokasiya sa Breast Cancer Awareness. Ayon pa sa aktres, personal ito sa kanya kaya pilit niyang isinusulong ang nasabing adbokasiya.
“I am so happy and so passionate to be part of this advocacy which is breast cancer awareness because I lost my mom to breast cancer when I was five," sabi ni Bianca sa interview sa kanya ni Lhar Santiago para sa "Chika Minute" ng 24 Oras kagabi, October 3.
Dagdag pa ni Bianca, 2017 pa lang ay gusto na niyang maging parte ng adbokasiyang ito para maipakalat nila ng mga kapatid niyang babae ang kamalayan tungkol sa nasabing kundisyon.
TINGNAN ANG ADVOCACIES NG IBA PANG MGA AKTRES SA GALERY NA ITO:
EMBED: https://www.gmanetwork.com/entertainment/celebritylife/news/12284/marian-rivera-heart-evangelista-carla-abellana-and-more-kapuso-actresses-and-their-advocacies/photo
Nabibigyan pa rin ng oras at panahon ni Bianca ang nasabing advocacy kahit pa busy siya ngayon sa kanyang upcoming project.
“Actually, kating-kati na ako dito na maipalabas. Kung puwede lang, kung puwede lang na magkaroon na ng official announcement,” pagbabahagi ng aktres.
Nabanggit din niya na magsisimula na sila sa wakas mag-taping para rito ngayong buwan. Bilang paghahanda, patuloy naman si Bianca sa kanyang “never-ending training" para sa naturang proyekto.
“Sobrang demanding niya, I think on a level that I am treating it as if I am training for a Marvel movie. Ganun siguro,” ani Bianca.
Samantala, katatapos lang din ni Bianca mag-taping para sa upcoming horror film na Mananambal, kung saan makakasama niya si Nora Aunor.
Nang tanunging siya kung ano ang masasabi niya sa kanya co-actress, na isang National Artist, sabi ni Bianca, “No words, every time na I'm n scene or on the set with her, I just watch her.
“Wala ka pong ibang gagawin e, wala kang ibang sasabihin kundi panoorin lang siya because national artist natin 'yun, she's in front of me, ka-eksena ko siya, I mean who doesn't dream of working with her."