GMA Logo Bianca Umali and Nora Aunor
Image Source: bianxa (Instagram)
What's Hot

Karakter nina Nora Aunor at Bianca Umali sa upcoming film na 'Mananambal,' masisilayan na

By Marah Ruiz
Published August 25, 2023 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali and Nora Aunor


Sumabak na sa look test sina Nora Aunor at Bianca Umali para sa upcoming horror film nilang 'Mananambal.'

May pasilip na sa mga karakter nina National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor at Kapuso star Bianca Umali sa upcoming horror film na Mananambal.

Sumabak na kasi ang dalawa sa look test para sa pelikula.

Makikitang mahabang buhok na may uban at may tila mabuhok na balat sa bandang kilay ang magiging look ni Nora sa pelikula.

Long, straight black hair, almost no makeup, at simpleng pananamit naman ang napiling final look na napili para kay Bianca.

Ibinahagi rin ng direktor ng pelikula na si Adolf Alix Jr. ang mga pangalan ng mga karakter na gagampanan ng dalawang aktres.

"Si Anita at Karina. Ang nag-iisang Superstar kasama ang isa sa mga de kalibreng aktres ng kanyang henerasyon. Ms. NORA AUNOR at Bianca Umali. MANANAMBAL," sulat niya sa Instagram.

A post shared by Adolfo Borinaga Alix, Jr. (@aalixjr)

Masaya si direk Adolf na i-explore ang ganitong tema sa isang pelikula. Bukod dito, excited na rin siyang makatrabaho sina Nora at Bianca.

"MANANAMBAL. Healer of natural and supernatural afflictions. Can't wait to see how they will bring their characters into life. See you on the set Ate Guy and @bianxa!

"Ate Guy is always ready to create a look for her character and take on the challenge. Thanks @erickamaanio for helping us achieve it,” bahagi niya sa Instagram.

Image Source: aalixjr (Instagram)



"Grateful to Ms. @karen_ortua08 of @bcentprod for the opportunity to explore the world of these mystical individuals.

"Years ago, I went to Siquijor for an immersion for a film I am writing. I can still vividly remember my encounters with real mananambals and how they live so hopefully I can use that for this film."

Matatandaang ibinahagi ni Bianca ang ilang paghahanda niya para sa kanyang upcoming movie.

Pinanood niya ang iconic 1982 film na Himala na pinagbidahan ni Nora Aunor.

Bumisita rin siya ng ilang araw sa Siquijor kung saan nakatakdang kunan ang Mananambal.