
Si Kapuso actress Bianca Umali ang mukha ng bagong campaign ng organisasyong World Vision na 1000 Girls.
Layunin nitong makapag-abot ng tulong sa isang libong Filipina girls sa pamamagitan ng child sponsorship program nito.
Masaya daw si Bianca na maging bahagi ng kampanya dahil malapit sa puso niya ang isinusulong nito.
"Being part of our new campaign, the 1000 Girls campaign, is such a a great opportunity and responsibility for me. Everyone knows kung gaano kalapit sa puso ko ang mga bata at mga babae kaya mahal na mahal ko po ang mga ganitong bagay," bahagi ni Bianca.
Inspirasyon din daw niya ang sarili niyang mga karanasan habang lumalaki.
"Galing na rin siguro sa childhood ko na lumaki ako sa lola ko at kasama ang mga pinsan ko na lahat kami babae kaya po sobrang mahal ko 'yung ginagawa ko and itong role na ginagampanan ko," kuwento niya.
Sa tingin daw ni Bianca, relevant din sa kampanya ang kanyang teleseryeng Sahaya.
"Also, the project I'm doing also is relevant to this--Sahaya. We don't only promote education in our show, we also promote feminism--kung paano po lumalaban ang isang babae. I think that is why sobrang proud ako na alam kong kaya kong itayo ang bandera ng mga babae," pahayag ni Bianca.
Humingi din siya ng suporta para sa kampanya.
"Sa lahat po ng nakakanood, from social media, and sa lahat po ng nakakarinig ng message ko, please support the International Day of the Girl on October 11. Our goal is to have 1000 girls sponsored by October 11," paliwanag ng aktres.
Ibinahagi din ni Bianca na nagso-sponsor siya ng isang bata.
"I am sponsoring one child ever since I started with World Vision. I am excited to sponsor more. Sana kayo rin kasi sobrang sarap po sa puso na alam niyong may tinutulungan kayo. At sa simpleng bagay, mahal na mahal din kayo noong taong tinutulungan niyo," aniya.
Bukod kay Bianca, nag-pledge na rin suporta ang real estate magnate na si Victor Consunji ng suporta para sa kampanya.
Bianca Umali joins the World Vision family as an ambassadress
LOOK: Bianca Umali visited the children and women of Marawi