
Pinili ni Bianca Umali na hindi muna pumasok ng kolehiyo dahil mas inuna niyang tulungan ang pinsang si Sam na makapagtapos ng pag-aaral.
Sa interview kay Kara David para sa i-Listen, ikinuwento ng aktres na nakapagtapos siya ng senior high school at isang K-12 graduate.
Nang tanungin kung bakit hindi siya nagkolehiyo, sagot ni Bianca, "It was a choice not to send myself to school first. Because 'yung isa po sa mga apo inside the house of my lola, one of the youngest cousins, nu'ng kinaya ko na po na maging stable independently, I chose to take her in.
"Inampon ko po siya, and I helped raise her, and I sent her to school. Inuna ko po siyang paaralin. It was a choice of mine. Her name is Sam."
Ayon kay Bianca, nasa edad 18 o 19 pa lamang siya noong pag-aralin niya si Sam.
"Ang situation po kasi ni Sam is that she also has two younger sisters after her. And I chose to send her to school first because I wanted for her to be able to help her sisters.
"For me, it was really to pay it forward also, and it was my way of giving back to my lola kasi naniniwala naman din po ako na 'yung pag-aaral naman po it will never get to late for anyone to study, and because I was also very focus on my work.
"Siya e, waiting lang naman siya to be sent to school. Then sabi ko, 'Sige, you go.' I mean if I was fortunate enough, I could have sent the both of us sabay, pero hindi po kaya because hindi rin po murang mag-aral lalo sa panahon ngayon.
"But now she's graduated already. Siya po ay Multimedia Arts sa Benilde. And now she helps me with my work. We work together," dagdag pa niya.
Kuwento ni Bianca, sa pagtulong sa kanyang pinsan ay nadiskubre niya kung ano ang pagmamahal ng isang ina at ang pagmamahal ng kanilang lola para sa kanila.
Pinalaki at inaruga si Bianca ng kanyang lola nang maulila sa ina at ama sa edad na 10.
"Kaya po may mga oras na nagugulat ako sa sarili ko, lumalabas sa akin 'yung mga salita ng lola ko kasi 'yun pala 'yon.
"Knowing that she graduated was a fulfillment for me. Ultimately, the feeling was 'Okay, mission accomplished tayo. May nagawa tayong tama.'
"That's also how I know what unconditional love feels like. Hindi necessarily na kadugo mo. Hindi necessarily na direktang anak mo. You can express love to anyone in this world as long as you choose to. And it's fulfilling. It really is."
Inihayag din ni Bianca na ngayong nakapagtapos na si Sam ay plano niyang siya naman ang mag-aaral. Aniya, pinag-iisipan pa niya kung ano ang kukuhaning kurso sa kolehiyo.
"It's either I go to a design school for interior design or I'm also looking po into a big university, syempre. Pero hindi pa po ako decided sa kung ano talaga. But, yes, I'm excited to study."
Samantala, noong August 1 ay nagsimula na ang podcast ni Bianca na Simply, B. Nagre-release ito ng bagong episodes tuwing Sabado sa Spotify at YouTube.
Bukod dito, si Bianca ang boses sa likod ni Ella Arcangel, ang title character ng upcoming GMA Pictures animated film na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.
Panoorin ang buong interview ni Bianca Umali sa i-Listen dito: