
May kurot sa puso ang Instagram post ni Bianca Umali nitong December 25.
Ibinahagi ng Sparkle drama actress sa kanyang Instagram ang photo nila ng boyfriend na si Ruru Madrid at kanilang fur babies.
Tinawag ni Bianca na “little family” niya ang mga nasa litrato.
Saad niya, “My little family. Rooted and grounded in love, this is us. I wouldn't have it any other way.”
Umabot na sa mahigit 24,000 likes ang heartwarming post na ito ng aktres at maraming fans ang nag-iwan ng komento sa nakakakilig niyang post.
Matatandaang noong Agosto, kinumpirma na ni Ruru ang relasyon nila ni Bianca sa panayam niya sa Kapuso Mo Jessica Soho.
Malapit na rin sila mapanood dalawa sa bago nilang series sa GMA Public Affairs na The Write One.
KILIG PHOTOS BIANCA AND RURU HERE: